Filipino OFW writes poems for her co-OFWs around the globe

Filipinos are known all over the world for their sweetness, hospitality, friendliness, generosity, and perseverance.  Those traits are often demonstrated when they do their work and when they communicate and relate with their friends, officemates, and clients. They have this innate trait of working under pressure and smiling off their worries and problems.

These traits are once again proven in one instance by Caren Rosell C. Mitra, a Filipina ER nurse in Riyadh, Saudi Arabia who wrote an inspiring poem which she dedicates to all her fellow overseas Filipino workers (OFWs) around the globe.

Mitra hails from Burgos, Pangasinan.  She dedicates her poem to her “kabayan” (countrymen) saying, “Inaalay ko po ang tulang ito para sa lahat ng mga kagaya nating OFW na nakikipagsapalaran sa ibat ibang panig ng mundo.” ( I dedicate my poem to all OFWs around the world who are doing their own struggles to work.)

“Kung kayo po ay walang ginagawa mga kabayan, baka po maaari po ninyong panoorin ang tula na sinulat ko para sa ating lahat. Mabuhay po ang lahat ng OFW na kagaya natin!!!! God bless po sa lahat.” (On your free time, my countrymen, please watch and listen to my poem.  Long live the OFWs! May God bless us all.)

Here is Mitra’s poem:

EROPLANO
Ni Caren Rosell C. Mitra

Sa bawat pagsakay ko ng eroplano
Ang kakambal nito’y mga luha ko
Iniisip ko pa lang na ako’y muling malalayo
Wasak at durog na ang aking puso

Habang ako’y naglalakbay sa himpapawid
Panyo ko’y basang basa na sa pagpahid
Ng mga patak ng luha kong walang batid
Hiling ko sa oras na ito,puso ko’y mamanhid.

Upang sakit at kirot ng aking muling paglisan
Ay pansamantalang di ko maramdaman
Pakiramdam ko buong mundo’y pasan
Sa bigat ng aking pinagdaraanan

Bawat hakbang ko palapit sa katotohanan
Iniisip ko na lamang na Diyos ang naglaan
Ang aking buhay sa ibayong bayan
Sabi Niya,isang araw may patutunguhan

Ako’y magpupursige ng walang humpay
Sapagkat alam ko ito ang magiging tulay
Upang isang araw dumating ang aking tagumpay
Sa lahat ng aking minimithi sa buhay

Pagtatrabaho sa ibang bansa ay di biro
Akala ng karamihan ito ay para lamang laro
Pero para malaman niyo aming mga kabaro
Gawain namin sa sobrang bigat, nakakatuliro

Sa muli kong pagtuntong ng eroplano,
baon ko’y masasayang alala
Ng mga araw na kasama ko ang aking pamilya
Magsisilbing lakas sa akin at magbibigay saya
Sa mga panahong malalayo ako sa kanila

Ako’y pipikit na lamang at mananalangin
Na sana hinagpis ko’y kanyang liparin
Sa lugar kung saan malayo aking damdamin
Panginoon ko,kunin mo po ito at dalhin

Sa lahat ng kababayan ko, manalig lang tayo
Kaibigan kapit lang, tagumpay din ay mapapasayo
Ating tiisin ang hirap ng ating pagkakalayo
Darating ang araw makukumpleto din kayo

Kailanman ay di na muling magkakahiwalay
Di na tayo iiyak at muling malulumbay
Kapwa ko Pinoy, abutin natin ng sabay sabay
Di na tayo lalayo sa kanila pag tayo na ay nagtagumpay

Laban lang Pinoy laban!
Gaano man kabigat ngayon ang iyong pasan
Tandaan mo, matatapos di yan!
Walang Pinoy na sumusuko!
Dahil tayo ay lahi ng mga palaban!

 

Comments

comments

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.